12 May 2018

MGA WORLD CLASS NA DESTINASYON SA PINAS TUWING SUMMER

MGA WORLD CLASS NA DESTINASYON SA PINAS TUWING SUMMER

Ayon sa tala ng Department of Tourism, humigit-kumulang 6 na milyong turistang dayuhan ang dumagsa sa Pilipinas nitong nagdaang taon. Bakit nga ganun na lamang ang pagkahumaling ng mga banyaga sa ating bansa?

Anu-ano nga ang mga destinasyong likas at tunay ngang World Class na maipagmamalaki nating mga Pinoy? Halina’t sama-sama nating tuklasin kasama si Ronnel Dichoso!

• 1. Una, ang El Nido-Palawan. Kinilala bilang Most Beautiful Island Beaches in the World ng Conde Nast Traveller Magazine noong 2015. Dito pwedeng mag-island hopping sa puting buhanginan, mamangha sa mga lagoon, at mala-crystal na linaw ng tubig kung saan pwede kang magswimming, snorkeling, kayaking or magrelax lang.
• 2. Sa Palawan pa rin matatagpuan ang isang tropical paradise na most visited destination para mag-wreck diving, ito ang Coron narito lang naman ang Kayangan Lake na kinilala bilang pinakamalinis na lawa sa buong Asya.
• 3. Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park na isa sa mga UNESCO World Heritage Site at kamakailan lamang ay tinanghal bilang isa sa New 7 Wonders of Natures.
• 4. Para sa mga scuba divers, perfect ang Tubbataha Reefs Natural Park na isa sa mga best diving sites sa buong mundo. Kinilala din ito bilang World Heritage Site ng UNESCO upang pangalagaan ang ilan sa mga kahanga-hangang nilalang ng dagat tulad ng mga coral reefs, manta rays, sea turtles, clownfish, lionfish, at endangered Hawksbill sea turtles.
• 5. Mula sa pagdidive, magsurfing naman tayo sa naglalakihang alon na kung tawagin ay “Cloud 9” ng Siargao. Dito rin ay may mga talon, kweba at iba’t ibang rock formations kaya naman di ka mag-aalangan isama ang Siargao sa iyong travel bucketlist.

Ilan lamang yan sa mga world-class destinations na dinadagsa ng mga turistasa ating bansa tuwing Summer. Higit sa kultura, gandang-pilipina, at galing ng mga Pilipino, bukod na pinagpala ang Pilipinas ng mga likas-yamang maipagmamalaki sa buong mundo.